Martes, Agosto 11, 2020

Alexa Vergara joins the cast of Tila-i Kon Basa as one of the leading ladies of Rod Maceda



VISMINWOOD - Very happy si Alexa Vergara dahil napasama siya sa cast ng Visayan Bomba Film na "Na Unhan" kasama sina Aya Sanada at Rod Maceda.

Sobrang nag-enjoy daw siya sa shooting nila dahil kampante siya at sobrang bait daw ni Rod Maceda sa kanya. Inaalagaan daw silang lahat. Tapos yung staff at crew sa set ay mga babae dahil gusto daw ni Rod na hindi sila naiilang lalo na't sexy ang kanilang projects.

Sa Na Unhan, support role si Alexa bilang si Pia. Isa siyang nude model na ka mutual relationship ni Alfie Reyes (Rod Maceda) at napakahalaga ng kanyang role para sa mangyayari na twist sa buhay ni Rhian Galang (Aya Sanada).

"It's very artistic. Excited na gane kaayo ko. Sige lang. Mahuman ra ni pandemic. Ma okay ra tanan."

After Na Unhan, ang naka line-up na project ni Alexa ay ang sci-fi thriller bomba film na titled "Tila-i Kon Basa" (Dilaan Mo Kung Basa) na still written-produced and will be directed by Rod Maceda under Sexy Love Cinema and Bisaya Erotica.

Kinabahan ba siya sa mga eksena nila ni Rod sa Na Unhan?

"Actually, gusto ko talaga ma meet n'on si Kuya Rod. Tapos n'ong nag meet na kami, siyempre, kinabahan ako konti... pero napaka friendly kasi ni Kuya Rod sa amin. Very caring siya sa aming lahat sa set pati yung food namin, yung safety namin... gusto niya na maging comfortable kami na mga leading ladies niya sa kanya. And of course, si Ate Aya naman, she was there to boost my self-confidence tapos ini encourage niya ako... yun. Pati si Direk Axcel. Lahat naman sila sa set. Kaya very happy ako na naging part ako ng project na ito." ani Alexa.

Ano naman ang story ng "Tila-i Kon Basa"?

"Naku sorry po.. hindi ako puwede mag divulge. Secret muna. Abangan nalang nila. Basta support nila ang Na Unhan then, after that, itong Tila-i Kon Basa... and other upcoming films ng Sexy Love Cinema."

Magkakaroon ng red carpet premiere ang "Na Unhan" pagkatapos ng release ng Covid-19 anti-virus vaccine na manggagaling ng Russia. Masusundan na ito ng pagbabalik ng normal sa paligid at masi set na ang schedule ng kanilang premiere showing. At sa first quarter ng 2021 ay lalabas ang Na Unhan sa mga pay per view adult movie streaming portals, Amazon Prime at posible rin daw na makapasok ito sa Netflix.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.