Huwebes, Agosto 13, 2020

Na Unhan Assistant Director Axcel Blegario talks about the rape scene in Na Unhan



VISMINWOOD - Ang Visayan bomba film na "Na Unhan" (Naunahan) ay talaga namang inaabangan na ng mga fans nina Aya Sanada at Rod Maceda dahil na rin sa pagka bold at daring nito. Ito rin ang kauna-unahang Visayan bomba film in history na produced ng WCN via Sexy Love Cinema at Bisaya Erotica.

Sa rape scene ni Aya Sanada bilang si Rhian Galang, naikuwento ng assistant director nito na si Axcel Blegario na sinigurado muna ni Rod Maceda na detalyado ang lahat at kampante na si Aya sa gagawin nila na eksena.

"He made sure everything is detailed and that his leading lady is comfortable already."

Masaya rin si Axcel dahil puro babae ang nasa set tuwing love scenes or rape scenes ang kinukuhanan nila. Ito ay dahilan sa ayaw ng producer at director na si Rod Maceda na maiilang ang kanyang leading lady. Gusto ng Bomba King na nasa ayos ang kanyang niru romansa na aktres sa mga eksena na kinukuhanan niya.

Dagdag pa ni Axcel, "ang rape scene na part, ito yung magdudulot ng galit at puot sa puso ni Rhian Galang. At maghihiganti siya. Pero hindi ang revenge ang pinaka climax ng pelikula. Kung anuman yun, yun ang dapat nilang panuorin. At tiyak na kapupulutan ng aral ng mga manunood ng movie."

Lalabas ang "Na Unhan" sa isang art film theater sa Lahug, Cebu City sa pamamagitan ng isang red carpet premiere. At mari release ito sa mga pay per view movie streaming portals sa 2021.

Ang Na Unhan ay pinagbibidahan ng mga newly born Visayan Bomba stars na sina Aya Sanada, Alexa Vergara at Rod Maceda. Written, produced and directed by Rod Maceda under Sexy Love Cinema and Bisaya Erotica.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tandaan: Ang mga kasapi lamang ng blog na ito ang maaaring mag-post ng komento.